Whoa! Pilipinas
Napakarami pang kagiliw-giliw na mga bagay na maipapamalas sa bayan ko na maaaring hindi nyo nakita nung kayo’y unang bumisita rito.
Kaya’t halina’t tuklasin ang ilan sa mga kaganapan at tanawin na higit na makapaglalarawan sa mga hindi binabanderang aspeto ng
Whoa! Pilipinas
Nangingibang-bayan ang aming masisipag at matatalino
Ang pangunahing eksport nami’y nagugutom na mga desperado
Kinabukasan ng nakararami’y sinasalalay sa Lotto
At ang mga pag-asa ni Pepe’y tumitira ng rugby sa kanto
Umiimport kami ng mga binabasurang produkto
Mga mamamahayag nag-eendorso ng alak, gamot at shampoo
May mga titser na nagbebenta ng insurance, damit at tocino
Karaniwang pasahod kasi’y sapat lang bumuhay ng aso
Ang bagong relihiyon ng masa ay tele-pantasya
Kaya mga artista dito’y mga pulitiko rin at vice-versa
Andaming kampon ni Bonifacio na nasa center na ng mga elitista
Na nagiging tambayan ng mga bagong burgis na dating aktibista
Galamay ng sindikato ang mga pulis at sundalo
Nagiging congressman ang mga sugarol at babaero
Pwedeng-pwedeng maging milyonaryo sa sweldo mo sa gobyerno
At umuupo sa pwesto mga di naman nananalo
“Iyan ang Mga Bagay na hindi ipinakikita sa ating bansa, malinis ang ating panlabas ngunit marungis ang panloob ika nga…
Ipinangangalandakan ng gobyerno ang mga katangiang kanais-nais
ngunit itinatago ang mga kabulukan lalo na sa gobyerno… maatim mo ba ang mga pangyayaring iyan?
Ito ay isang awitin na nagmula sa grupong Datu’s Tribe di maipamamalas ang nilalaman ng awitin, dahil ito akma
sa nangyayari sa ating bayan…
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.