Hinubog mo ang kaisipan ng sinoman sa iyong musika,
Isang huwaran at inspirasyong sa’yo makikita.
di mawawaglit sa aming isipan ang iyong kontribusyon,
mananatili ka sa aming mga puso habang panahon.
himig mo ang aming pag-asa sa hinaharap,
isa kang sining, idolo at isang pangarap.
Huling paalam para sa iyo Maestrong kapitag-pitagan,
salamat sa ala-ala yan ay aking iingatan.
di mababakas sa akin ang ano mang lungkot,
sapagkat ang instrumento mo ang tangi kong isasagot.
lumipas man ang panahon… na sa akin ay nasusulat,
pangako… ipamamana ko ito sa sinomang mamumulat.
-=ferdie Esguerra=-
http://dhex77.multiply.com/
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.